Biyernes, Oktubre 11, 2013


MAKABAGONG BAYANI
               
Bawat pawis na pumatak
Piso ag katapat
Luhang bumuhos
Nangunguluia sa haplos

Haplos ng kanyang mga mahal sa buhay
Taon-taong nawahay
Upang mabigyang kuhay
Buhay nilang matamlay

Aking tinutukoy
Kababayan nating nangibang-bansa
Bente-kuwarto oras kumakayod sila
Para mairaos kani-kanilang mga pamilya

Pananabik at pangungulila
Pilit nilang iniinda
Oh anong hirap ng kanilang sakripisyo
Kaarawan at pasko, wala sila dito.

Itinuturing ko silang makabagong bayani
Pambihira silang kawani
Ang hirap ay di alintana
Kundi hinuhugot upang kalakasan nila.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento